My Pasalubong

My Pasalubong – Balikbayan Boxes

Karaniwan na sa ating mga OFWs na kapag uuwi ng Pilipinas, ang pasalubong ay laging naririyan. Siguradong super saya ang hatid nito sa bawat miyembro ng pamilya. Kaya naman, hindi ito nakakaligtain sa tuwing sasapit ang taunang bakasyon.  With this event in mind, shopping galore to the max na naman si Juan hanggang mapuno ang kaniyang mga balikbayan boxes. Pabango ni ate, sapatos ni tsong, sinturon ni lolo, tsokolate at kendi ng mga bata, kape ni lola, relo ni bayaw, kwintas ni biyenan, johnny walker sa barkada, at kung anu-ano pa.

And with the advent of plastic money we now have (credit cards), sadya naman talagang napakadaling gumasto. Sige lang. Sky is the limit ang sabi ni Juan. Buhay mayaman kung kumilos, buhay mayaman kung gumastos, parang wala ng bukas kung ikaskas ang plastic na pera. Enjoy the moment habang may pambayad. Kapag wala na at ubos na ang bala, eh di wala na, katwiran ni Juan. Kayod na lang ulit. Ganito lagi si Juan at ang nakararaming OFWs.

Pagsapit ng araw ng bakasyon… Pilipinas kong mahal… Here I come!

Paglapag na paglapag pa lang ng eroplano sa runway, ibayong sigla na ang iyong nadarama at bago pa man makalabas ng airport si Juan, daan pa rin siya sa Duty Free sa loob ng airport. Syempre pa, bago umuwi ng bahay, mawawala ba sa eksena si Jollibee o si MangDonalds pag sinabi ni bunso na gutom na siya. Pagkauwi naman nang bahay, sasalubong sa iyo ang mga kamag-anakang sabik na muli kang masilayan. Mapamalayo man ay nagiging malapit din.

Masaya ang lahat pati na ang kapitbahay. Sambit ng isa, “Kumusta na? Ang gwapo mo ah… tumaba ka… pumuti ka… Big time ka na… Iba talaga ‘pag nasa abroad. Oh, kalian ang balik mo  niyan sa abroad?”  To which you will respond, “After one-month po, balik ulit abroad.”Kadarating mo lang, pinapaalis ka na agad.😦

OFW - Feeding Baby

Pare, panggatas lang…

The above are very common kapag ikaw ay nasa bakasyon. With all these and that, brace yourself habang ikaw ay busy sa kaka-chika dito, chika doon sa mga kamag-anakan o kapitbahay.  After awhile, one will quip and crack that old joke, “Juan, baka naman may extra ka pang dollars diyan… Souvenir lang.” sabay ngiti sa iyo. Ang iba naman ay tahimik lang ngunit pagkalipas ng ilang mga araw atsaka bubulong sa iyo ng, “Pareng Juan, pwede mo ba akong pahiramin isang libo? Gipit kasi ngayon, panggatas lang ng inaanak mo, si Jun-Jun din wala pa nga ding pang-enrol, pasukan na. Ang hirap naman kasi ng buhay dito sa Pinas, ang mamahal na ng bilihin…”, pasakalye ni kumpare o kumare.

Syempre, dahil mabait at malambot ang puso ni Juan, at okay pa rin naman ang laman ng bulsa, bunot dito, abot doon. Paggising mo isang umaga, sermon ni misis ang iyong almusal. Hehehe! Joke lang. Come to think of it, it’s true. Kahit pa-iisang daang piso o ilang libong piso lang din ang naabot mo sa kanila, one would come to think and realize, malaki-laki din pala ang nagagastos mo sa ganitong pagtulong and you will be surprised malapit nang maubos ang isang taon mong pinag-ipunan sa iilang araw o lingo ng iyong pamamalagi sa Pinas.

I would like to make it clear that, I have nothing against helping others especially relatives, but wonder why every time you are vacationing, karaniwan ang mga tagpong ito sa ating mga OFWs.

An old mate would welcome you, “Pare! Shot muna” (offering you a shot of beer or whisky). “Salamat Pare, ‘musta na?” sabay mong wika. Kwentuhan dito kwentuhan doon. At bagoka pa man makaalis, bunot Jess Lapid! Kipkip mo na sa iyong palad ang isang Ninoy o ang isang Ubeng papel, sabay abot kay kumpare. “Pre pandagdag sa happy happy”, ang iyong huling sambit tsaka wiwika ng, “Pare, mauna na ako at may lakad pa kami ni misis mamaya.”

OFW - Lasshhing

Shot muna ‘pre…

If you can and able to avoid this situation. Iwas kana lang, if not, ikaw din ang mapapasubo. Again, I don’t want to sound like, ayaw mong makasalamuha ulit ang iyong mga kaibigan sa umpukang ganito but then again, since, galing ka ng abroad and the thought of you na marami kang pera, in this kind of gathering, ikaw lagi ang taya. Kaya kalimitan, hindi malayong mapasubo si Juan.  Kaya naman, kapag napasubo na, kasama na rin si Juan sa maghapon o magdamagang inuman. Funny as it may seem, but before you knew it, madaling araw na pala at lassshing ka na at sila’y hindi pa.😦

A couple of weeks since Juan arrives, “Family outing naman tayo Dad”, hirit ng mga bata.

Dad, pasyal tayo sa Boracay. Maganda daw dun”, sabay yakap at halik ng dalaginding ni Juan. Makaka-hindi ba naman si Juan sa kanyang mga anak? “O siya sige na, punta tayo ng Bora”, bigay hilig na sagot naman ni Juan sa kanyang mga anak.

“Dad, masarap daw ang pagkain doon sa Abekus Kusina. Bagong bukas na restaurant iyon. Diyan lang sa bayan ‘yon. Punta tayo doon ha? Nga pala Dad, Birthday daw ni Tito Pidring, punta daw tayo sabi ni Tita Maring.”

“Honey, sirain na ‘yung owner type jeep natin, palitan na kaya natin? May bagong Honda City ngayon. Angganda! One Hundred Thousand lang daw ‘yung downpayment. Automatic na siya, may 3-years insurance at registration pang libre ‘yon”, ang malambig at eksayted na himig naman ng maybahay ni Juan.

“Sige lang… Hangga’t may pera, Sky is the limit”, ang malimit namang na sambit ni Juan.

As much as I don’t want to sound like striking out the happiness of many OFWJuans during their vacation, it is very likely that the above observations are commonly experienced by the many OFWs. One way or the other, we have had a taste of these experiences. Am sure, there are a lot more of these experiences coming from every single Juan.

To continue the story and as the day passes by, you will find out, medyo tagilid na ang bulsa at paubos na ang bala. So, this time, ikaw ang naman ang wala. To some OFWJuans, para maitawid ang bakasyon, uutang na lang muna. Ikot dito ikot doon, tanong dito tanong doon kung sino ang pwedeng mautangan. Bayaran na lang pagbalik ulit sa abroad. Sa mga may credit cards, this is no problem. Plastic money is always there to the rescue. CASH is KING and CREDIT is the ANSWER.  Right away, money comes in and once again, ready to be spent.

This is the worst case scenario where a lot of us OFWs are doing every time we are vacationing.

Our justification.

Ayos lang iyan Juan. Minsan lang naman ito sa isang taon. Ang ligayang dulot nito sa iyo at ng iyong pamilya ay walang kaparis at walang kabarayan. Kaya okay lang kahit laging upos ang kaban ng iyong bulsa sa tuwing ikaw ay nasa bakasyon. Sabi mo pa, “Kikitain ko naman ulit iyon. Sasahod naman ulit ako sa susunod na buwan. Walang problema.” 

Tantaran! You’re one month vacation fly so fast and it is about to end.  “Haay! Balik na naman sa disyerto si Juan! Isang taon ulit sa mainit na kalupaan ng Gitnang Silangan. Ang hirap talagang maging OFW.”,  you sigh.

For the nth time na pabalik-balik ka sa abroad, nothing has changed. Ang masama nito, patuloy tayo sa ganitong sitwasyon. It goes on and on, year after year. Bahala na si Batman, ang malimit nating sambit. Isang klase ng buhay mayroon tayong mga OFWs, buhay mayaman, buhay mahirap. Masarap na mahirap.

Ang sarap nga naman talaga ng buhay mayaman,di po ba? But if, at the end of each and every single year, we’re always down to square one, maybe it’s better for us to halt for awhile habang may pagkakataon tayong ayusin ang dapat ayusin.

Ask yourself, “Am I to continue this way?”  It seems like, whilst enjoying the moment of our “kasaganaan”, we fail to consider and see what is for us during the rainy days especially during our retirement age. Happy people we all are Filipinos, we always enjoy all the moments we have till it last. Our search for a secured future is nowhere in the horizon if we are to continue this way. Our salary is no guarantee either, no matter how big it is when we are always amiss of its true value.

In the end, we are forced to rush things when reality kicks in.

Our vulnerabilities expose us to the inevitable situation should we not take into consideration our own financial ineptitude, correct things out and make the necessary adjustments. Anyway, it’s your own money it’s your own future.

Buhay mayaman o buhay mahirap? Ano ang gusto mo?

 Your life. Your choice.

Thanks for reading.🙂